Manila, Philippines – Nagbigay ng CSI Model 47 laboratory fume hood na may motor blower ang U.S Department of Justice International Criminal Investigative Training Assistance Program sa PNP Crime Laboratory.
Sa ulat ng US Embassy mismong si PNP Crime Laboratory Director, Police Chief Supt. Aurellio Trampe ang tumanggap ng nasabing equipment mula kay Byron San Marco ang Director ng ICITAP Assistant Program.
Ang Fume hood ay nagkakahalaga ng 176,000 pesos na mula sa pondo ng US Governmental Global Security Contingency Fund o GSCF.
Ang GSCF ay isang kakaibang programa ng Estados Unidos na nagbibigay ng tulong sa mga kaibigang bansa para mas mapaangat ang kapabilidad sa pagsasagawa ng mahigpit na seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Ginagamit ang Fume hood para matiyak na maayos o safe ang anumang laboratory activities sa Chemical Division.