TULOY ANG IMBESTIGASYON | NCRPO, walang nakikitang indikasyon ng kidnapping sa pagkawala ng 17 years old na si Ica Policarpio

Manila, Philippines – Nilinaw ni National Capital Region Police (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde na walang indikasyon ng kidnapping sa pagkawala ng 17 years old na si Patricia “Ica” Policarpio na huling nakita sa isang mall sa east service road sa Sucat, Muntinlupa nitong Huwebes.
Ayon kay Albayalde, tuloy ang kanilang imbestigasyon katuwang ang National Bureau of Investigation para malaman kung sino ang liable sa nangyari.
Sa ngayon ay hahayaan muna nila ang pamilya Policarpio na magkaroon ng bonding at pagkatapos ng pasko ay ipapapapatuloy ang imbestigasyon.
Nagpapasalamat naman si Albayalde sa publiko at magulang ni Ica para sa kanilang naging kooperasyon para sa agarang paghahanap sa dalaga.
Dahil sa nangyari, nagbigay rin ng paalala ang direktor sa mga magulang na bantayan at ingatan ang kanilang mga anak dahil sila ang unang magtatanggol sa mga ito.

Facebook Comments