TULOY ANG LABAN | MPD, isinusulong pa rin ang Atio Castillo hazing case sa kabila ng pagkatalo sa desisyon ng DOJ.

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Manila Police District na pansamantala lamang ang pagkatalo sa desisyon ng DOJ kaugnay sa pagkamatay sa hazing victim na si Atio Castillo na nagpapawalang sala sa ilang personalidad na inakusahan sa krimen.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, itutuloy ng MPD ang pagsusulong ng kaso laban sa mga isinasangkot sa krimen hanggang sa makamit umano nila ang tunay na hustisya.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ng DOJ dahil paglabag sa RA 8049 o Anti Hazing Law ay sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo,Joshua Joriel Macabali, Axel Munrio Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat, at Robin Ramos habang kasong Perjury at Obstruction of Justice ang pinasasampa laban kay John Paul Solano.


Facebook Comments