Manila, Philippines – Maipagpapatuloy na ng mga estudyante mula sa Marawi ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Ito ay dahil magkakaloob ang Department of Science and Technology ng scholarship grants sa mahigit sa 200 estudyante at science & technology professionals.
Batay sa nilagdaang Memorandum of Agreement ng DOST-Science Education Institute at Marawi State University 225 scholarship grants ang ibibigay sa mga undergraduates ng MSU.
Tatanggap ang mga mapipiling iskolar ng bayan ng P10, 000 kada semester para sa kanilang matrikula, P6, 000 bilang monthly allowance at P10, 000 book allowance kada taon.
Magkakaloob din ang DOST ng financial assistance sa 20 science & technology professionals.
Samantala, sa mga nais magpatuloy ng pag-aaral sa anumang science & engineering na accredited ng DOST tatanggap ang mga ito ng P25,000 bilang monthly allowance P10,000 book allowance kada taon at P200,000 na research grant assistance.
Ang scholarship program ay bahagi ng DOST-SEI Bangon Marawi Program on Science and Technology Human Resources Development na tumutulong sa mga mag-aaral na naapektuhan ng gyera sa Marawi nuong isang taon.