Tuloy ang pagbibigay serbisyo sa tao kahit wala ako- Governor Catamco

Sinisiguro ng suspendidong gobernadora ng North Cotabato na maipatutupad pa rin ang lahat ng mga prayoridad at proyekto nito sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Nancy Catamco, inasahan na niya na ang kanyang suspension order kung kaya’t sinabi nito sa mga department heads na tutukan ang kanilang prayoridad pagkatapos ng kanyang temporaryong absence.

Kabilang na dito ang dagdag sweldo sa mga contract service at sa mga job order na mga nurses at ibang professional health service providers sa provincial at mga district hospitals.


Ang paglalagay sa mga nabakanteng posisyon sa mga ospital upang maipahatid ang tamang serbisyong medikal sa mamamyan ng probinsya.

Pangatlo ang dagdag allowances na matatanggap ng mga Barangay Health Workes kon BHW, Barangay Nutrition Scholars ug mga Day Care Workers.
Google Pic

Facebook Comments