TULOY ANG PAGTULONG | Pamamahagi ng temporary shelter sa Marawi City, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng temporary shelter sa Marawi City.

Ayon sa pangulo, bangungot na maituturing ang nangyari sa Marawi City dahil sa pait na pagsalakay ng mga terorista.

Nanawagan rin ang pangulo sa mga maranao na huwag hayaang makapasok muli ang terorismo.


Ipinangako rin ng pangulo na tuloy ang pagtulong ng gobyerno sa pagbangon ng Marawi City.

Iginiit pa ni Duterte, na wala siyang pakialam kung magpabalik balik siya sa lungsod basta’t masiguro lang niyang maayos ang sitwasyon doon.

Muli rin niyang isinulong ang federalismo sa mga Maranao.

Facebook Comments