TULOY ANG TRABAHO | CJ Sereno, iginiit na ipagpapatuloy ang trabaho sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Bagamat agad na umalis sa Korte Suprema kanina, iginiit ng kampo ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na ipagpapatuloy nito ang pagtrabaho bilang punong mahistrado.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, sa katunayan si Sereno ang magpi-preside sa gagawing special en banc session ng Supreme Court sa Biyernes.

Kasabay ito ng gagawing botohan ng mga mahistrado sa quo warranto case ni Sereno.


Gayunman, nilinaw ni Lacanilao na mag-i-inhibit si Sereno sa deliberasyon sa quo warranto case ng kanyang kliyente.

Bago umalis ng kanina ng Korte Suprema para dumalo sa isang speaking engagement, lumabas at nagpakita si Sereno sa kanyang supporters sa harap nf Supreme Court.

Facebook Comments