Manila, Philippines – Nanindigan ang motorcycle-hailing company na Angkas na magpapatuloy ang kanilang operasyon bilang transport service.
Ito ay sa kabila ng kautusan Ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hulihin ang kanilang bikers.
Ayon kay George Reyoca, Angkas regulatory and public affairs head – ang inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema ay para lamang sa preliminary injunction ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) nitong Agosto.
Hindi naman aniya idineklara ang Angkas bilang ilegal.
Binigyang diin pa ng Angkas na mahalaga sa kanila ang kaligtasan ng mga pasahero maging ang kanilang riders sa pamamagitan ng pagsasagawa ng training at seminar para sa kanilang mga driver.
Facebook Comments