TULOY | Bulkang Mayon, limang beses na pumutok kahapon

Manila, Philippines – Nagpatuloy pa rin ang aktibidad ng bulkang Mayon sa kabila ng patuloy na nararansang pag-ulan.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology O PHIVOLCS, limang beses na nagbuga ng lava at abo ang mayon kahapon.

Una nang ibinabala ng PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng lahar kung saan malapit ang ilog gaya ng bayan ng Daraga, Camalig, Guinobatan, Santo Domingo at Legazpi City.


Samantala, umabot na sa isang libo siyam na raan pitumpu’t dalawang mga residente ang dinapuan ng acute respiratory infection o ari dahil sa ash fall na ibinubuga ng mayon.

Sa nabanggit na bilang, 459 dito ang may lagnat at 272 ang mayroong hypertension.

Facebook Comments