Manila, Philippines – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy pa ring kumikilos ang Communist Party of the Philippines, National Democratic Front at New People’s Army (CPP-NDF-NPA) para maisakatuparan ang binansagang ‘Red October’ plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo – planong sakyan ng grupo ang mga kilos protesta.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque – may intelligence report ang militar kaugnay ng ilang miyembro ng Liberal Party (LP) na kasabwat sa destabilisasyon.
Pero nilinaw ni Roque na hindi kasama rito si Vice President Leni Robredo.
Kumpiyansa rin ang palasyo na mananatili sa pwesto si Pangulong Duterte.
Itinanggi naman ng CPP ang sinasabing ‘Red October plot’ at imbento lamang ito ng AFP at wala namang maipakitang ebidensya.