Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Finance na itutuloy pa rin ng gobyerno ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga ‘sin’ products sa kabila ng tumataas na inflation.
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Domiguez III, tamang hakbang lang na itaas ang halaga ng mga sin products tulad ng sigarilyo lalo at nagdudulot ito ng masamang epekto sa kasulugan.
Suportado din ng kalihim ang mga nakabinbing panukala sa kongreso na taasan ang excise tax rates sa mga sigarilyo.
Kabilang na rito ang senate bill no. 1599 na ini-akda ni Senador Manny Pacquiao.
Sa bill ni Pacquiao, tataasan ang tobacco excise tax ng halos 100% at i-angat ang annual increases sa 4.0% sa 9.0%.
Facebook Comments