Manila, Philippines – Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na kanselado ang National Achievement Test (NAT) para sa mga nagtapos ng grade 12 para sa school year 2017-2018.
Paglilinaw ng DepEd, ang petsa ng pagsasagawa ng NAT 12 ay magkakaiba kada school division.
Ayon sa kagawaran, ang Schools Division Superintendents ang magdedesisyon sa petsa kung kailan gagawin ang pagsusulit at kung natanggap na ang mga test materials na gagamitin.
Nabatid noong 26, inanunsyo ng DepEd na ang NAT 12 ay isasagawa lamang sa mga piling eskwelahan na may tentative schedule na pagsisimula kahapon o April 12.
Facebook Comments