TULOY | DOF, iginiit na matutuloy ang suspensyon ng pagpataw ng dagdag-buwis sa langis

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Finance (DOF) na itutuloy sa susunod na taon ang nakatakdang suspensyon ng dagdag na buwis sa langis.

Ito ay kahit hindi umabot sa $80 per barrel ang presyo ng Dubai crude.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez – susundin nila ang rekomendasyon na suspendihin ang excise tax sa langis sa 2019.


Naghahanap na rin ang finance department paraan para mai-legally justify ang suspension, marahil sa pamamagitan ng pag-iisyu ng revenue regulation order.

Facebook Comments