Manila, Philippines — Nilinaw ngayon ng Department of Health (DOH) na hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon sa Sanofi Pasteur sa kabila ng pag-refund nito sa mahigit P1 billion para sa mga nalalabing dose ng Dengvaxia.
Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang pag-refund ng Sanofi Pasteur sa mahigit P1 billion para sa mga nalalabing stock ng Dengvaxia.
Bagama’t ikinatuwa ni DOH Secretary Francisco Duque III ang nasa P1.16 billion refund na naibayad ng Sanofi, kailangan pa nilang tukuyin kung may mahalagang impormasyon na ikinubli kaugnay ng Dengvaxia.
Nauna nang nilinaw ng Sanofi na ang kanilang pagtugon sa hiling na reimbursement ng DOH ay walang kinalaman sa isyu ng kaligtasan o kalidad ng Dengvaxia.
Inirekomenda naman ng Panel of Experts mula sa Philippine General Hospital ang suspensyon ng Dengue Vaccination Program dahil hindi naman isandaang porsyentong epektibo ang nasabing bakuna.
TULOY | DOH, nilinaw na hindi pa tapos ang kanilang imbetigasyon kahit pa naibalik na ng Sanofi Pasteur ang nasa P1-bilyong refund
Facebook Comments