Manila, Philippines – Mananatili pa rin ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng panawagan ng ilang mambabatas na dapat nang tanggalin o ipawalang bisa na ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Roque – ipinatupad lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar para sa kabutihan ng lahat upang mapigilan ang posibleng panggugulo ng mga teroristang grupo sa lugar.
Aniya, sa ngayon ay may pangangailangan pang umiral ang Martial Law sa gitna na rin ng ginagawang rehabilitasyon sa lungsod.
Pero, pagtitiyak ni Roque, tatanggalin naman ng pangulo ang batas militar kung nakita na niyang matatag na ang sitwasyong pang seguridad sa buong Rehiyon.
Facebook Comments