TULOY | Kampaniya ng DOLE laban sa endo, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Patuloy na umuusad ang kampanya ng Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa endo, ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kabila ng usapin ng tila pagkaantala ng paglalagda ng Pangulo sa executive order na tuluyang tatapos sa kontraktwalisasyon.

Patunay dito ayon sa kalihimang karagdagang 54 na manggagawa mula sa isang grocery store sa Bicol na na-regular sa kanilang mga trabaho.

Base aniya sa ulat mula kay Bicol Regional Director Exequiel Sarcauga, nagsumite na ang lotte mart ng mga pangalan ng unang batch na mabibigyan ng regular na estado sa trabaho matapos na pirmahan ang kanilang appointment papers noong nakaraang linggo.


At inaasahan na mayroong kabuuang 139 na manggagawa ang magiging regular sa kanilang trabaho sa nasabing grocery store bago matapos ang buwan ng Marso.

Facebook Comments