TULOY MAN O HINDI | NCRPO, nakahanda sa tigil-pasada ng PISTON

Manila, Philippines – Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa dalawang araw na tigil-pasada ng PISTON bukas.
Ayon kay NCRPO Director, C/Supt. Oscar Albayalde, sapat ang kanilang pwersa na itatalaga sa mga lugar kung saan nagkakaroon ng insidente ng panghaharang sa mga tsuper para tumigil sa pamamasada.
Kumpiyansa si Albayalde na hindi na kakailanganin ng karagdagang pu­wersa para bantayan ang seguridad sa panahon ng transport strike.

Facebook Comments