TULOY | Mosyon ng mag-amang Jejomar at Junjun Binay na pinarerekonsidera ang paglilitis sa kanila, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang mga mosyon nina dating Vice President Jejomar Binay Sr. at anak nitong si dating Makati City Mayor Junjun Binay Jr. na irekonsidera ang desisyong may probable cause para litisin sila sa mga kasong graft, malversation at falsification of public documents.

Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City hall building 2.

Ayon sa Sandiganbayan 3rd division, wala silang nakitang sapat na rason para baligtarin ang nauna nilang desisyon na dapat litisin ang mag-ama.


Nahaharap ang dating bise presidente sa apat na bilang ng kasong graft, isang malversation at siyam na bilang ng falsification of public documents.

Habang ang nakababatang Binay ay kinasuhan ng dalawang graft at anim na bilang ng falsification of public documents.

Facebook Comments