TULOY NA | Gobyerno, handa na sa implementasyon ng PUV modernization program – LTFRB

32

Manila, Philippines – Ipinahayag ng LTFRB na wala nang atrasan ang implementasyon ng PUV modernization program dahil suportado sila ng publiko.

Sa isang statement, sinabi ng LTFRB na panahon na para putulin ang istilo na pagmukhaing masama ang programa.

Partikular na tinukoy dito ang pananakot ng ilang grupo na ang taktika ay bansagan na kontra mahihirap ang administrasyong magtatangkang isulong ang modernisasyon ng transportasyon.

Hindi kailanman mailalatag ang mga peparasyon hanggat nagpapadala ang gobyerno sa pressure ng mga kritiko.

Ipinalabas ng LTFRB ang statement bilang tugon sa patutsada ng ilang kritiko na nagmamadali ang DOTr sa implementasyon ng PUV modernization program gayong hindi pa naman ito handa.

Facebook Comments