TULOY NA | Panukalang national ID system, inaasahang raratipikahan ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang raratipikahan ngayong araw ng kongreso ang panukalang national ID system.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, principal author at sponsor ng panukala, ito ang huling hakbang bago ipasa kay Pangulong Rodrigo Duterte para kanyang mapirmahan at maging ganap na batas.

Ani Lacson, matagal na niyang isinusulong ang panukala mula pa noong 2001.


Ang consolidated version ng bill ay ipi-prisinta ngayong araw ng senado at kamara para sa ratification.

Tiniyak ni Lacson na protektado ang lahat ng impormasyong nakapaloob sa national ID kung saan ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang magsisilbing repository ng data.

Ang tanging nag-aalala at nangangamba lang sa pagpapatupad ng national ID ay mga rebelde, terorista at iba pang kriminal.

Naglaan na ng 25 bilyong piso bilang inisyal na pondo para sa pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments