TULOY NA TULOY NA | Dayalogo sa pagitan ni Pangulong Duterte at iba’t ibang labor organizations, mangyayari na bukas

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na bukas ang dayalogo sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga lider ng iba’t-ibang labor organizations.

Kabilang sa mga makikipag diyalogo ay mga lider ng NAGKAISA! Labor Coalition at Kilusang Mayo Uno.

Igigiit ng dalawang grupo kay President Rodrigo Duterte na mag isyu ng ng executive order na tuluyang bubuwag sa contractualization.


Ang NAGKAISA! ay koalisyon ng 40 Trade Union Centers, Labor Federations at Workers’ Associations habang ang KMU ay kabilang sa militanteng grupo.

Ayon sa grupo, panahon na para tuparin ni Duterte ang pangako niya sa nakaraang dialogue noong nakaraang taon.

Facebook Comments