Manila, Philippines – Itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita niya sa Israel at Jordan sa susunod na buwan.
Ito ay sa kabila ng kanyang pag-alala hinggil sa magiging gastusin ng kanyang biyahe.
Pero sabi ni Pangulong Duterte, gusto niyang malaman ang kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa dalawang bansa para masigurong ligtas at maayos sila.
Aniya, una niyang ipapadala si Environment Secretary Roy Cimatu para tingnan ang sitwasyon ng mga manggagawa sa gitna ng Israel-Palestinian conflict.
Si Cimatu ay nagsilbing special envoy sa Middle East ni dating Pangulo at ngayon ay house speaker Gloria Macapagal-Arroyo at naging special envoy para sa overseas Filipinos refugees ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments