TULOY PA RIN | Amerika – nanindigang hindi kakanselahin ang pakikipagpulong sa North Korea

No comment muna si US President Donald Trump sa naging banta ng North Korea na kakanselahin ang nakatakdang pag pupulong nila kapag hindi itinigil ang kanilang military exercise sa South Korea.

Ayon kay White house Press Secretary Sarah Sanders, kukumpirmahin muna nila ang report sa North Korea.

Pero, nanindigan si Sanders na walang epekto ang military exercise ng Amerika sa South Korea sa nakatakdang summit ng US at north Korea sa June 12 na gaganapin sa Singapore.


Magpupulong muna aniya ang mga opisyal ng National Security Council at Defense Department sa nasabing usapin.

Facebook Comments