Tuloy pa rin ang bakbakan kasabay ng Eid’l Fitr – AFP

59

Manila, Philippines – Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy pa rin ang bakbakan sa kabila ng darating na Eid’l Fitr sa Lunes, Hunyo 26.

Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla – walang ititigil na operasyon kahit pa Eid’l Fitr para hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga terorista sa Marawi City.

Pero siniguro naman ng opisyal na magpapatuloy ang clearing operations sa lugar gayundin ang mas pinaigting na opensiba laban sa Maute terror group.


Tiniyak naman ng AFP ang maayos ang pagdiriwang ng mga Muslim sa kabila ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments