TULOY PA RIN | DFA, nanindigang hindi tatanggalin ang OFW ban sa Kuwait

Manila, Philippines – Mananatili ang “deployment ban” o pagbawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait.

Ito ang binigyang diin ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano hanggat hindi 100 porsyentong ligtas ang ating mga kababayan sa nasabing bansa.

Kasunod nito umaasa si Cayetano na sa pamamagitan ng binubuong Memorandum of Understanding (MOU) ng Pilipinas at Kuwait ay tuluyang mabibigyan ng proteksyon ang mga overseas Filipino workers sa Kuwait.


Isa kasi ang MOU sa mga kondisyong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para alisin ang deployment ban.

Paliwanag pa ni Cayetano na sa ngayon tuloy ang pakikipag usap nila sa Kuwaiti government at tiniyak nito na kung ano man ang sinasabi ng pamahalaan ng Kuwait ay kanila itong pinakikinggan at dapat ding pakinggan ng Kuwaiti government ang mga kondisyon ng gobyerno ng Pilipinas.

Binigyang diin pa ng opisyal na ang pangunahing layunin ng MOU ay ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga kababayan.

Facebook Comments