Manila, Philippines- Patuloy ang inisyatibo ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa paghahanap ng third telecommunications player sa bansa.
Ayon kay DICt Acting Secretary Eliseo Rio Jr., hindi totoo ang naging pahayag sa facebook post ni Pierre Tita Galla, Co-Founder ng Civil Society Group na democarcy.net.ph, na patay na ang third telco initiative ng gobyerno.
Ayon kay Rio, katunayan ay nagkaroon sila ng oversight committee meeting kahapon, pero tumangging idetalye ang kanilang mga napag-usapan.
Gayunman, inamin ng DICT Chief, na magkakaroon ng delay sa pagbuo ng guidelines o terms of reference para sa pagpili ng magiging third telco player.
Nauna nang sinabi ng ahensya na sa Setyembre o bago matapos ang taon ay papangalanan na nila ng winning bidder para sa third telco slot.