Manila, Philippines – Sa kabila ng patuloy na ibinibida ng Manila City Govt. na nililinis nila ang Manila ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga vendor sa naturang mga lugar.
Una rito makailang ulit na raw na tinanggihan ni Erap ang kahilingan ng mga vendor na payagan sila na magtinda sa Baywalk, Rizal park at iba pang Tourist Belt sa Maynila.
Matatandaan na noong isang taon ay ilang ulit na raw dumulog ang mga miyembro ng United Vendors Alliance sa tanggapan ng alkalde pero tumanggi itong magbigay ng hawker’s permit sa mga sidewalk vendor sa paligid ng naturang lugar.
Pumalag ang mga vendor sa naturang hakbang ng alkalde dahil mayroon umanong tinitingnan si Estrada dahil kapag bayad sa Manila City Govt ang isang vendor kahit nakakaabala umano sa mga dumadaan gaya nalamang sa Divisoria at Binondo Manila ay pinahihintulutan ng alkalde na magtinda, kahit na malaking abala sa mga motorista at sa mga tao na dumadaan sa mga bangketa at mga kalsada.