Manila, Philippines – Naniniwala si Solicitor General Jose Calida na patuloy pa rin na umiiral ang rebelyon sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ito ay bagamat nakalaya na sa kamay ng Maute Group ang Marawi City.
Bunga nito, iginiit ni Calida na may basehan para palawigin ng isa pang taon ang martial law sa Mindanao at patuloy na pairalin ang pag-suspinde sa privilege of writ of habeas corpus.
Una nang inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Duterte ang extension ng batas militar sa Mindanao.
Facebook Comments