TULOY PA RIN | Recruitment ng Maute group, nagpapatuloy pa rin

Lanao del Sur – Tuloy pa rin ang recruitment ng mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS group sa mga bayan sa Lanao del Sur.

Paliwanag ni Lanao del Sur 2nd District Representative Mauyag Papandayan, inaalok ng pera ang mga tao para sumama sa Maute.

Ayon naman kay Colonel Romeo Brawner ng Joint Task Force Ranao, patuloy ang kanilang monitoring sa recruitment ng Maute.


Tiniyak naman ng militar na tuloy ang kanilang mga programa katuwang ang lokal na pamahalaan, iba’t-ibang civil organizations at religious groups para isulong ang edukasyon sa Lanao del Sur tungkol sa tunay na kahulugan ng Islam para makontra ang recruitment ng grupo.

Facebook Comments