TULOY | Pagbisita ni P-Duterte sa Israel, tuloy na tuloy!

Manila, Philippines – Itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagbisita sa Israel kahit pa tutol dito ang ilang human right activist.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahala na ang mga aktibista na hikayatin si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na huwag makipagkita sa Pangulo.

Aniya, bahagi ng pagbisita ng Pangulo na makipagkita kay Israel President Reuven Rivlin.


Nakatakda ang biyahe ng Pangulo sa Isarel sa September 2 hanggang 5.

Facebook Comments