TULOY | Paglalagay ng SRP sa bigas, ipatutupad na ngayong araw

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang pagpapatupad ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga bigas ngayong araw.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang imported well milled rice ay hanggang P39.00 lang bawat kilo habang ang mga imported premium rice na ipinagbibili ngayon ng hanggang P60.00 kada kilo ay hindi na dapat hihigit sa P43.00.

Wala naman itinakdang SRP sa mga special rice varieties tulad ng cordillera heirloom, organic brown, red and black, dinorado, milagrosa, jasponica, dona maria, hinumay, malido, kamoros at malagkit.


Ipinagbabawal na din ang mga special na tawag sa mga bigas, tulad ng sinandomeng, super angelica at yummy.

Nilinaw ni Piñol na ang pagpapatupad ng SRP sa bigas ay sa Metro Manila at greater Manila area muna kung saan pag-uusapan pa ang SRP sa mga supermarkets at iba pang rehiyon.

Matatandaan na naudlot ng tatlong araw ang pagpapatupad ng SRP dahil sa pakiusap ng mga rice retailers na gagawa pa sila ng mga bagong signage’s.

Facebook Comments