Tuloy ang full implementation ng fuel excise tax hike sa 2020.
Ito ay kahit may planong suspendehin ang ikalawang bugso ng dagdag buwis sa langis sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Karl Kendrick Chua – ipatutupad ng gobyerno ang buong anim na pisong kada litrong excise tax sa langis kahit ihihinto ang second tranche ng increase.
Ito ay aniya kung hindi aabot sa $80 per barrel ang halaga ng Dubai drude oil bago sumapit ang 2020.
Sa ilalim ng TRAIN Law, ang excise tax sa langis ay itinaas sa ₱2.50 per liter nitong Enero a-uno, susundan ng ₱2 per liter sa 2019 at ₱1.50 sa 2020.
Facebook Comments