Tuloy ang pagpapasada ng mga pampasaherong jeep sa Dagupan City sa kabila ng ipinatutupad ng transport group na MANIBELA na isang linggong “nationwide transport strike” na magsisimula ngayong araw, Lunes, March 6.
Bunsod pa rin ito ng pagtutol sa implementasyon ng LTFRB na Public Utility Vehicle Modernization Program na magdudulot ng total phase out o aalisin na ang tradisyonal na mga jeep.
Bagamat maganda ang adhikain nitong mapanatili ang kaligtasan ng kapaligiran sa pamamagitan ng mababawasan ang polusyon dulot ng mga tambutso ng mga sasakyan, ay mapapansing hirap ang mga driver sa pagsunod dito.
Matatandaang nasa isang porsyento lamang o katumbas nito ay mahigit dalawampo o 20 pa lang ang modernized PUV sa lungsod ng Dagupan at ayon sa ilang drivers, kapag tumataas ang presyo ng produktong petrolyo ay may ilan ang tumitigil sa pagpapasada.
Nasa 2.4 to 2.8 milyon ang halaga ng isang modernised PUV kumpara sa mga traditional jeep na nasa 200, 000 to 600, 000 pesos lamang.
Sa kabila nito ay magpapatuloy pa rin ang mga transport groups sa Dagupan City sa kanilang pamamasada dahil hindi sila nakisali sa isang linggong tigil pasada. |ifmnews
Facebook Comments