TULOY | PDEA, patuloy ang imbestigasyon sa mga opisyal na dawit sa pagkakalusot ng droga gamit ang magnetic lifter

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa mataas na opisyal nito na dawit sa pagpuslit ng bulto ng droga sa pamamagitan ng magnetic lifter na natagpuan sa Cavite.

Sa pagdinig ng house committee on good government and public accountability, sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino na nagsasagawa na sila ng lifestyle check kay PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo.

Maliban rito, hiniling na rin aniya nila sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ang imbestigasyon.


Ayon pa kay Aquino, hinihintay rin nila ang report ng Senado at Kamara sa pagdinig nito hinggil sa smuggling ng droga para magamit nilang basehan sa ikakaso kay Fajardo.

Facebook Comments