Manila, Philippines – Patuloy ang repatriation na ginagawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga OFW sa Middle East.
Nasa 30 undocumented at runaway OFW ang dumating sa NAIA Terminal 1 galing Abu Dhabi nitong Martes, July 10.
Pagkadating ay sinalubong sila ng mga tauhan ng OWWA at DOLE.
Ang mga OFW na napauwi ngayon ay wala ng matatanggap na 5,000 financial assistance pero bibigyan naman sila ng 22,000 pesos na livelihood assistance bilang bahagi ng ‘Balik Pinas, Balik Hanap-Buhay Program’ ng OWWA.
Mayroon ding ibibigay na transportation allowance ang mga repatriated OFW.
Facebook Comments