Manila, Philippines – Patuloy ang Philippine Embassy sa Moscow sa repariation ng mga undocumented Filipinos sa Russia
Sa unang anim na buwan ng taon, umabot na sa anim na pung Overseas Filipino Workers mula Russia ang napauwi sa Pilipinas,
Tumaas ito ng 33 percent kumpara sa kahalintulad na panahon nuong isang taon
Ayon sa DFA, hindi makalabas ng Russia ang mga OFW na nag-expire ang visa
Kaugnay nito hinihikayat ng embahada na sumailalim sa voluntary repatriation ang ating mga kababayan.
Kabilang sa mga tulong na ipinagkakaloob ng embahada ang pakikipag-ugnayan sa russian police, mga korte ng Russia at immigration
Ang mga foreigners na walang kaukulang dokumento tulad ng valid visa, work permit, at registration ay maaaring hulihin at ikukulong bago sila ipa-deport.
Ang pag avail sa voluntary repatriation program ng embahada ay nagpapahintulot sa mga Pilipino na maiwasan ang pagkakulong.
Sinabi ni Third Secretary at Vice Consul Catherine Alpay, Assistance-to-Nationals Section ng Embahada, maraming mga kababayan natin ang gustong umuwi ng bansa ngunit hindi nila ito magawa dahil sila ay mayruong immigration violation.