
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan laban sa pagbaha.
Kasabay rin ito ng ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapos na ang malaking drainage system sa G. Araneta Avenue sa Quezon City, na madalas bahain.
Triple na ang laki nito upang mas mabilis ang daloy ng tubig at hindi agad tumaas ang baha sa kalsada.
Ipinagpatuloy din ang iba pang proyekto tulad ng paggawa ng water pumping station sa E. Rodriguez Avenue at paglilinis ng San Juan River para hindi mabara ang daluyan ng tubig.
Nanawagan ang Pangulo sa publiko na huwag magtapon ng basura sa estero at drainage system dahil ito ang isa sa pangunahing sanhi ng pagbaha.
Giit ni Pangulong Marcos, kikilos ang pamahalaan, pero kailangan din ang disiplina ng bawat isa para mabawasan ang pinsala tuwing tag-ulan.










