TULOY-TULOY NA? | DTI, umaasa na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin hanggang sa 1st quarter ng 2019

Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin hanggang sa first quarter ng 2018.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – ito ay dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis at paglakas ng piso kontra dolyar.

Aniya, kahit bumaba sa 6% ang inflation rate nitong Nobyembre, sa unang bahagi pa ng susunod na taon mararamdaman ng mga konsyumer ang pagbaba sa presyo ng mga bilihin.


Paliwanag ng kalihim, mura na nang nabili ang mga materyales o sangkap sa paggawa ng mga pangunahing produkto pero sa susunod na taon pa ito madadala sa merkado.

Tiniyak din ng DTI na patuloy silang magbabantay sa presyo ng mga bilihin para masigurong mararamdaman ng mga konsyumer ang tamang presyo nito sa mga pamilihan.

Facebook Comments