Siniguro ni Defense Secretary at NDRRMC Chairperson Delfin Lorenzana na walang nagiging problema ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.
Ginawa ng kalihim ang pagtiyak matapos na isagawa ang response cluster meeting sa Camp Aguinaldo kung saan dinaluhan ng mga representante mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Lorenzana na inutusan nya ang lahat ng concerned govt agencies na patuloy na iprayoridad ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol na ngayon ay nasa mga evacuation centers pa rin.
Panawagan naman ni Lorenzana sa ilang residente ng Mindanao na nasa kalsada at nagaabang ng tulong na tumungo sa mga evacuation centers sa kanilang area dahil tiyak aniyang may supply ng pagkain at inumin.
Una rito ay inutusan ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Sec Lorenzana na tutukan ang relief operation sa Mindanao.