
Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno ng tuloy-tuloy na paglikha ng trabaho.
Ito’y sa harap na rin ng 2.25 million na mga kababayang nananatiling unemployed o walang trabaho sa kabila ng pagbaba ng unemployment rate sa 4.4% batay sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Giit ni Go, bagama’t nagkakaroon na ng improvement sa labor data ng bansa, nananatili pa ring malaki ang bilang ng mga Pinoy na walang matatag na hanapbuhay.
Tinukoy pa ni Go ang isang isyu na maaaring may trabaho nga ang mga kababayan pero wala namang sapat na kita para mabuhay ng marangal ang isang pamilya.
Kaugnay dito ay hiniling naman ni Go ang agarang pagapruba sa Senate Bill 175 o ang Indigent Jobseekers Assistance bill na layong magbigay ng subsidiya sa mga gastusin para sa mga naghahanap ng trabaho at pagbibigay mandato na dagdagan ng ₱100 ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa.










