Tuloy-tuloy na pangangampanya para sa BSKE, walang problema sa Comelec

Pinasalamatan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na patuloy na sumusunod sa inilatag na patakaran.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga kandidatong sumusunod sa batas ay nagpapakita ng maayos na intensyon para sa bayan.

Dagdag pa ni Garcia, pagsapit ng October 19, 2023 o campaign period, hindi nila pipigilan ang mga kanidato sa pangangampaniya kahit pa abutin sila ng 24-oras.


Payo pa ni Garcia, hindi naman na kailangan pa masyado mangampanya dahil kapitbahay, kamag-anak o kaibigan naman ang mga nakatira sa barangay at madalas ay magkakakilala na ang mga ito.

Kasabay nito, nagpapaalala naman si Chairman Garcia laban naman sa mga patuloy na namimili ng boto kung saan iginiit niyang huwag tangkilikin ang mga ito.

Aniya, ang mga kandidatong tingin sa kaniyang mga nasasakupan ay patay gutom at humahamak sa pagkatao ng kanilang mga botante ay walang karapatan para maupo sa pwesto at pamunuan ang isang barangay.

Facebook Comments