Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na magiging operational ang kanilang tanggapan ngayong holiday season para pagsilbihan ang mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Urduja.
Sinabi ni NFA administrator Jason Aquino, sisiguruhin daw ng kanyang ahensiya na lahat ng requests ng mga LGUs na nangangailangan ng supply ng NFA rice lalo na sa mga calamity-stricken area ay matutugunan.
Kaugnay nito, inatasan din ni Aquino ang lahat ng NFA managers na ipagpatuloy ang monitoring sa mga presyo ng bigas, gayundin ang imbentaryo ng mga stocks at pagpapatupad ng mga precautionary measures upang maprotektahan ang NFA stocks lalo pat nakapasok na ang isa pang bagyong si Vinta.
Samanatala, umabot na sa 10,464 sako ng bigas ang naipamahagi na ng NFA sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja.
Malaking bulto ng stock ng bigas ay ibinuhos sa Region 8, ang lugar na pinakamatinding hinagupit ni bagyong Urduja.