Albay, Philippines – Nakatakdang magdeklara ng “Force Majeure” ang Department of Social Welfare and Development para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Albay.
Sa harap ito ng pangamba ng mga 4Ps family members na hindi sila makatanggap ng benipisyo matapos na bigong makasunod sa mga kondisyon ng programa dahil na rin sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa interview ng RMN kay DSWD OIC Emmanuel Leyco aniya, tatlong buwan nilang force majeure.
Ibig sabihin, makakatanggap pa rin sila ng ayuda kahit hindi makatupad sa mga kondisyon sa ilalim ng programa.
Sakop ng ipatutupad na force majeure ang mga 4Ps beneficiaries mula sa Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Legaspi, Tabaco, Malilipot, Ligao at Sto. Domingo.