Amerika – Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni US President Donald Trump na pauwiin sa lalong madaling panahon ang US troop mula Syria.
Ito ang nilinaw ng White House kasunod ng naging pahayag ni French President Emmanuel Macron na nakumbinsi niya si Trump na huwag i-withdraw ang mga sundalo nito sa halip at panatilihin doon nang mas matagal.
Ayon pa kay White House Spokesperson Sarah Sanders – kahit na iniutos ang pagpapauwi sa mga sundalo, determinado pa rin ang Amerika na masugpo ang Islamic State Group sa Syria.
Nabatid na may 2,000 sundalo ang US sa ground ng eastern Syria bilang suporta sa Syrian Democratic Forces.
Katuwang ng Amerika ang France at Britanya sa patuloy na paglulunsad ng airstrike sa Syria.
Facebook Comments