Manila, Philippines – Hiniling ni 1-Ang Edukasyon Representative Salvador Belaro sa Commission on Higher Education (CHED) na tulungan ang mga guro na posibleng mawalan ng trabaho matapos na desisyunan ng Korte Suprema na alisin sa college curriculum ang Filipino at Panitikan.
Ayon kay Belaro, kailangang igalang ng sektor ng edukasyon ang desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman kahit pa tutol sila dito.
Hinikayat ng kongresista ang CHED na magpatupad ng massive retooling at jobs program para sa mga maaapektuhangcollege faculties.
Dapat aniyang matiyak na may trabaho pa rin ang mga maaapektuhang guro sa Filipino at Panitikan na inalis sa general education core curriculum.
Isa sa naisip ng kongresista ay ang pagpapalawig at pagsasaayos sa K-12 Transition Program kung saan pwedeng ilagay dito ang mga guro.
Kakausapin ni Belaro ang mga opisyal ng CHED upang idulog ang solusyon para mabigyan pa rin ng trabaho ang mga guro.