TULUNGAN NG VOLUNTEERS AT COUNCIL SA BRGY. BONUAN GUESET, DAGUPAN CITY, DAHILAN NG ZERO CASUALTY NOONG BAGYO

Malaking tagumpay para barangay council ng Bonuan Gueset ang makaligtas sa isang mabagsik na bagyo nang walang naitalang casualty. Bunga umano ito ng tuluy-tuloy na pagbabantay at pagresponde ng mga barangay volunteers, na nag-overtime mula bago pa man tumama ang bagyo, habang kasagsagan ng panganib, at hanggang matapos ang masamang panahon.

Pinaigting ang koordinasyon, pagbibigay ng utos, at pagpapatupad ng mga hakbang na may malinaw na direktiba at maayos na komunikasyon para matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad.

Patuloy ang naging monitoring sa lagay ng panahon ilang araw bago ang inaasahang pag-landfall ng bagyo kabilang pa ang hamon ng daluyong partikular sa Tondaligan Beach na sakop ng barangay.

Matapos humupa ang bagyo, mabilis na nagsagawa ng clearing operations upang mabuksan ang mga daan at masiguro ang kaligtasan ng mga bumabalik sa kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan, nakatuon ang barangay sa pagpapabuti pa ng disaster response upang mapabuti pa ang serbisyo publiko.

Facebook Comments