TULUNGAN | Sustainable development, palalakasin nina Pangulong Duterte at Indonesian President Joko Widodo

Singapore – Palalakasin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang pagtutulungan upang maresolba ang mga isyu na may kaugnayan sa seguridad at matamo ang “sustainable development”.

Kasabay nito, muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang pangako na mapalawig pa ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang matapos ang naging pagpupulong nina Duterte at Widodo bago ang dinner na pinangunahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa 32nd Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.


Sa isang press release ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), napag-usapan nina Duterte at Widodo ang posibilidad na muling magpulong sa hinaharap.
Matatandaang dalawang beses na nagpunta sa Pilipinas si Widodo noong nakaraang taon para sa isang state visit at dumalo sa Biannual ASEAN Summit sa pangunguna ni Duterte bilang chairman.

Facebook Comments