Pinatitiyak ni Senator Grace Poe sa mga water concessionaires ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig ngayong tag-init.
Ito ang paalala ng Chairman ng Senate Committee on Public Services sa mga kumpanya ng tubig na tiyakin ang tuluy-tuloy na serbisyo sa mga consumers dahil ang kawalan ng suplay ng tubig na sinabayan pa ng matinding init ng panahon ay maaaring mauwi sa outbreak ng mga sakit.
Aniya, mataas ang demand sa tubig ngayong summer at kung wala nito ay nasa panganib ang kalusugan ng mga tao.
Sinabi ni Poe na kung walang tubig sa gripo dahil sa water interruption, marami sa iba sa atin ang walang magagamit na tubig kahit sa inumin.
Umaasa si Poe na ang mga water concessionaires ay maglalatag ng supply contingency at augmentation plans para masiguro ang 24/7 na water supply sa mga komunidad.