Wednesday, February 11, 2026

Tuluyan pagbasura ng impeachment laban kay PBBM, patunay ng tiwala ng Kamara at pananaig ng batas—Malacañang

Welcome sa Malacañang ang tuluyang pagkakabasura ng dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong pagtibayin sa plenaryo ng House of Representatives.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nasiyahan ang Pangulo sa naging proseso sa Kamara at sa naging desisyon ng mayorya ng mga mambabatas na ibasura ang mga reklamong inihain laban sa kanya.

Giit ng Palasyo, ang boto ng 284 kongresista pabor sa pagbasura ng impeachment complaints ay malinaw na pagpapakita ng paniniwala ng Kamara sa katotohanan at sa kawalan ng sapat na batayan ng mga akusasyon laban sa Pangulo.

Sa halip na bigyang pansin ang pulitika, sinabi ng Malacañang na ang Pangulo ay nakatutok sa kanyang tungkulin, lalo na sa mga programang pang-ekonomiya na layong iangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Pinagtibay rin aniya ng desisyon ang pananaig ng proseso ng batas at nagbibigay-daan upang magpatuloy ang pamahalaan sa pagtatrabaho para sa bansa.

Facebook Comments