Tuluyang pag-alis ng deployment ban ng mga Pinoy nurse sa UK, ikinatuwa ng FNU

Ikinatuwa ng Filipino Nurses United (FNU) ang tuluyang pag-alis ng deployment ban sa mga Pinoy nurse na nais magtrabaho sa United Kingdom.

Matatandaang nagbigay ng exemption ang Pilipinas sa UK sa ipinatutupad nitong 5,000 annual deployment cap ng mga healthcare workers sa gitna ng pandemya.

Tiniyak naman ni FNU Secretary General Jocelyn Andamo na hindi mauubusan ng mga nurse ang Pilipinas.


Katunayan aniya, marami ang handang maglingkod sa bansa pero problema nila ang napakababang sweldo.

Facebook Comments